Ito ang sinabi ni Allan Tanjusay, tagapagsalita ng Associated Labor Unios-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP).
Paliwanag ni Tanjusay, hindi buo na nailalabas ng mga manggagawa ang kanilang sahod kaya’t kinakapos sila ng P400 o hanggang P900.
Aniya, mababawasan pa ang kanilang pera kung susubukan nilang i-withdraw ang butal sa ATM ng ibang banko.
Diin ng Tanjusay sa inilabas nilang pahayag, hindi makatarungan ito para sa mga manggagawa na pinipilit na itawid ang gastusin ng pamilya.
Noong nakaraang Linggo, nakipagpulong na ang labor organization sa Banking Industry Tripartite Council, ang policy consultation body ng grupo ng mga manggagawa, banke manegrs, DOLE at BSP, at naipaliwanag na ang isyu ukol sa kakulangan ng P100 sa ATMs.