Karagdagang P1.15 ang ipinatong ng mga kumpaniya ng langis sa presyo sa bawat litro ng kanilang krudo ilang oras bago sumapit ang araw ng Pasko.
Kasabay nito, P1.05 kada litro ang itinaas naman ng presyo ng kerosene o gaas, samantalang hindi nagbago ang halaga ng gasoline.
Unang nagkasa ng Christmas eve price hike ang Shell, PetroGazz, Cleanfuel, Seaoil at PTT Philippines.
Sa pagpasok naman ng bagong taon, inaasahan na magkakaroon muli ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa TRAIN.
Ngunit, sinabi na ni Energy Sec. Alfonso Cusi na hindi maaring agad tumaas ang presyo dahil kailangan munang ubusin ang mga produktong-petrolyo sa imbentaryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.