Bilang ng pasahero sa mga pantalan, umabot na sa 34,000

By Angellic Jordan December 24, 2019 - 05:38 PM

Pumalo na sa mahigit 34,000 ang bilang ng pasahero sa mga pantalan na hahabol pauwi sa kani-kanilang pamilya.

Sa huling tala ng Philippine Coast Guard, nasa kabuuang 34,195 ang outbound passengers mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Martes (December 24).

Pinakamaraming naitalang pasahero sa Western Visayas partikular sa Aklan, Iloilo at Guimaras na may 9,116 na pasahero.

Sumunod dito ang South Western Mindanao partikular sa bahagi ng Zamboanga, Basilan at Central Tawi-Tawi na may 6,198 na pasahero.

Narito naman ang bilang ng pasahero sa iba pang pantalan sa bansa:
– National Capital Region – 65
– Central Visayas – 3,444
– Palawan – 2,839
– North Western Luzon – 438
– South Eastern Mindanao – 3,365
– Northern Mindanao – 6,331
– North Eastern Luzon – 359
– Southern Visayas – 2,040

Pinayuhan naman ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga alituntun sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.

TAGS: Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, outbound passengers, PCG, Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, outbound passengers, PCG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.