Red warning, nakataas sa ilang lugar sa Visayas
Itinaas na sa red rainfall warning ang ilang lugar sa Visayas.
Sa abiso ng PAGASA bandang 3:33 ng hapon, nakataas sa red warning level ang Samar, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte at Biliran.
Nakataas sa orange warning ang Northern Cebu at Central Cebu habang yellow warning naman sa Southern Cebu at Bohol.
Babala ng weather bureau, posibleng makaranas ng pagbaha o pagguho ng lupa sa mga mababang lugar.
Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.