Pangulong Duterte, bibisita sa mga batang may cancer sa Davao City
Gaya ng nakagawian, bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga batang may cancer sa Davao City sa December 28.
Ayon kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, ayaw kasi ng pangulo na mawawala sa kanyang schedule ang pagbisita sa mga bata na naka-confine sa ospital dahil sa sakit na cancer.
Hindi maikakaila, ayon kay Go, na malaki ang puwang sa puso ng pangulo ng mga batang may sakit.
Kaligayahan aniya ng pangulo na mabigyan ng inspirasyon ang mga batang may sakit lalo na at maabutan ng munting aginaldo.
Bukod sa regalo, sinabi ni Go na binibigyan din ng pangulo ng pagkain at munting entertainment ang mga batang may cancer.
Matatandaang sinusuportahan ng pangulo ang House of Hope sa Davao City kung saan kinukupkop at binibigyan ng atensyong medikal ang mga batang may cancer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.