Sen. Ping Lacson, tiwalang uubra ang localized peace talks
Naniniwala si Senator Panfilo Lacson na mas magiging matagumpay ang pakikipag-usap sa mga rebelde sa pamamagitan ng localized peace talks.
Aniya, mas makakabuti na ito kaysa sa national peace talks na ilang dekada nang ikinakasa.
Katuwiran ng senador, hindi lahat ng lokal na pamahalaan ay may matinding problema ukol sa New People’s Army (NPA) at may ibang LGU na walang problema sa mga rebelde.
Dagdag pa nito, mas batid ng mga lokal na opisyal ang mga isyu kumpara sa nalalaman ng mga pambansang opisyal.
Sinabi lang ni Lacson na dapat ay maging malinaw lang sa mga lokal na opisyal ang kanilang trabaho kung ikakasa ang localized peace talks.
Dapat din aniyang may sapat silang suportang makukuha mula sa pambansang gobyerno at may awtoridad sa kung ano ang maari nilang ialok sa mga rebelde sa paghikayat sa mga ito na magbalik-loob na sa pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.