Umakyat na sa 73 ang bilang ng nasawi sa Kentex fire tragedy sa Valenzuela City.
Ito ang kinumpirma sa Radyo Inquirer ni Police Sr. Supt. Emmanuel Aranas, Deputy Director ng PNP Crime Laboratory, at aniya nakipag-ugnayan na sila sa kaanak ng huling kinilalang biktima.
Sinabi pa ni Aranas na lalaki ang huling biktima at natukoy ang identity nito batay sa DNA sample na ibinigay ng kanyang mga kaanak na inihambing sa buto na nakuha ng SOCO operatives kamakailan lang.
Magugunita na nagbalik sa nasunog na pagawaan ang mga taga-crime lab nang ipaalam na may dalawa pang manggagawa ang iniulat ng kanilang mga kaanak na nawawala.
Ayon kay Aranas, nagsumite na sila ng report ng kanilang latest finding kay PNP Officer-in-Charge Leonardo Espina dahil Kasama ang PNP sa Inter-agency Task Force na nag-imbestiga sa pangyayari. / Jan Escosio
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.