Mga nasugatang sundalo sa pagsabog sa Cotabato, ginawaran ni Pangulong Duterte ng Order of Lapu Lapu

By Chona Yu December 24, 2019 - 02:59 PM

Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang apat na sundalo na nasugatan sa magkasunod na pagsabog sa Cotabato, Martes ng gabi.

Base sa photo release ng Palasyo, inalam ng pangulo ang kalagayan ng apat na sundalo na nagpapagamot sa Camp Sionhco Station Hospital sa Maguindanao.

Ginawaran din ng pangulo ng Order of Lapu Lapu Rank of Kampilan ang apat na sundalo na sina:
– Sgt Ariel F. Joaquin
– Cpl Genesis R. Mansalon
– PFC Cris John F. Figueroa
– Pvt Ian C. Villaruel

Nakatalaga ang apat sa 6th infantry division ng Philippine Army.

Binigyan din ng pinansyal na ayuda ni Pangulong Duterte ang nga nasugatang sundalo.

Matatandaang 19 na katao kabilang na ang walong sundalo ang nasugatan sa magkakasunod na pagsabog sa Cotabato City, North Cotabato at Upi sa Maguindanao.

Samantala, binisita rin ng pangulo ang iba pang sugatang sundalong nakaratay sa parehong ospital.

Kabilang sa mga dinalaw ng pangulo sina Corporal Alvin Samama na nasugatan sa engkwentro sa Barangay Pikig sa Shariif Saydona Mustapha sa Maguindanao noong November 28 at sina:
– SSgt Ariel M. Lumagod
– PFC Aljon B. Jimenez
– PFC Jaymark A. Bron
– Pvt Raymond F. Oyan

TAGS: Camp Sionhco Station Hospital, Cotabato, Cotabato blast, Order of Lapu Lapu Rank of Kampilan, Rodrigo Duterte, Camp Sionhco Station Hospital, Cotabato, Cotabato blast, Order of Lapu Lapu Rank of Kampilan, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.