Bilang ng stranded na pasahero sa mga pantalan, umabot na sa 23,000
Nadagdagan pa ang bilang ng stranded na pasahero sa mga pantalan.
Ito ay bunsod ng inaasahang pananalasa ng Bagyong Ursula.
Sa tala ng Philippine Coast Guard (PCG) bandang 12:00 ng tanghali, nasa kabuuang 23,789 ang naitalang stranded passengers sa Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas, Southern Tagalog, Northern Mindanao, Western Visayas at Southern Visayas.
Maliban dito, suspendido rin ang operasyon ng 3,253 rolling cargoes, 46 motorbancas, at 157 vessels.
Hindi rin bumiyahe ang nasa 86 vessels at pitong motorbanca dahil sa sama ng panahon.
Tiniyak naman ng lahat ng PCG unit ang istriktong implementasyon ng mga panuntunan sa operasyon ng mga sasakyang-pandagat tuwing masamang ang panahon.
Sinabi ng PCG na layon nitong masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.