Toll sa Naiax, Skyway, SLEX, Star Tollway at TPLEX libre sa Pasko at Bagong Taon

Mayroong Pamaskong-handog para sa mga motoristang hahabol na makauwi sa kani-kanilang pamilya.

Libre ang toll sa mga gate ng Naiax, Skyway, SLEX, Star Tollway at TPLEX sa Pasko at Bagong Taon.

Sa abiso ng San Miguel Corp. (SMC) Tollways, hindi mangongolekta ng toll simula 10:00, Martes ng gabi (December 24) hanggang 6:00, Miyerkules ng umaga (December 25).

Maliban dito, libre rin ang toll sa Bisperas ng Bagong Taon sa December 31 simula 10:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga ng January 1, 2020.

Read more...