Yellow warning nakataas pa rin sa Central Cebu

Nakararanas pa rin ng malakas pag-ulan ang ilang bahagi ng Visayas.

Sa rainfall advisory ng PAGASA, itinaas ang yellow warning sa Central Cebu alas 11:00 ng umaga.

Ayon sa PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababang lugar.

Samantala, alas 12:30 ng tanghali sinabi ng PAGASA na mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Northern Samar.

Patuloy ang paalala ng PAGASA sa publiko na maging alerto at mag-antabay sa mga inilalabas nilang abiso.

Read more...