Pito kabilang ang tatlong dayuhan nailigtas sa karagatan Danao, Cebu

Pito ang nailigtas kabilang ang tatlong mga dayuhan sa karagatang sakop ng Danao City, Cebu.

Nagkaproblemang ang sinasakyang bangka nina Petronilo Cularte, 57; Candyce Macatangay, 30; Lily Rose Musil, 37; Celedinio Jevelanios Jr., 47; at mga dayuhang sina Pawel Patterson (Swedish), 39; Lassi Tolonen (mula sa Finland) 67; at Johanna Todeer (mula sa Finland) 68.

Umalis ng Consuelo Port sa Camotes ang motor banca alas 3:30 ng hapon ng Lunes, Dec. 23 pero nagkaproblema ito sa makina ilang kilometero ang layo sa Barangay Taytay, Danao.

Ayon kay Lt. Junior Grade Michael John Encina, Coast Guard Central Visayas spokesperson alas 6:27 ng gabi nang makatanggap sila ng distress call.

Ligtas namang lahat at maayos ang kondisyon ng pito.

Read more...