Nasawi sa pag-inom ng lambanog sa Rizal, Laguna umakyat na sa 12

By Dona Dominguez-Cargullo December 24, 2019 - 12:06 PM

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa Laguna dahil sa pag-inom ng lambanog.

Ayon kay Dr. Jonas Del Rosario, tagpagsalita ng Philippine General Hospital, isang 37-anyos na pasyente ang nasawi umaga ng Martes, Dec. 24.

Sinabi ni Del Rosario na ang lalaki ay pumanaw dahil sa neurologic complications bunsod ng pagkakalason niya sa ininom na lambanog.

Sa ngayon, mayroon pang tatlong pasyente sa PGH na kritikal ang kondisyon, kasama na ang isang nasa ICU na kinailangang sumailalim sa dialysis.

Samantala, kinumpirma ni Mayor Vener Munoz, ang pagkasawi ng naturang pasyente.

Dahil dito, umakyat na sa 12 ang pumanaw sa bayan ng Rizal sa Laguna dahil sa pagkakalason sa lambanog.

TAGS: Inquirer News, laguna, lambanog, lambanog poisoning, News in the Philippines, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, laguna, lambanog, lambanog poisoning, News in the Philippines, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.