Biyahe ng Pasig River Ferry sinuspinde dahil sa bagyong Ursula
Sinuspinde ang operasyon ng Pasig River Ferry matapos itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Metro Manila.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa kaligtasan ng mga pasahero, sinuspinde na ang biyahe ng Pasig River Ferry umaga ng Martes, December 24.
Bukas dahil araw ng Pasko, Dec 25 ay mananatiling suspendido ang biyahe ng Pasig River Ferry.
Magbabalik sa normal ang biyahe nito sa December 26 araw ng Huwebes.
Una rito ay nagtaas ng signal number 1 ang PAGASA sa Metro Manila dahil sa bagyong Ursula.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.