Orange warning level itinaas na ng PAGASA sa ilang lalawigan sa Eastern Visayas

Patuloy nang inuulan ang mga lalawigan sa Eastern Visayas dahil sa Severe Tropical Storm Ursula.

Sa 11:08AM heavy rainfall warning ng PAGASA, orange warning level na ang nakataas sa Southern Leyte, Leyte, Biliran, Eastern Samar at Samar.

Babala ng PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa bulubunduking lugar.

Yellow warning level naman ang nakataas sa Bohol at Northern Cebu.

Muling maglalabas ng abiso ang PAGASA mamayang alas 2:00 ng hapon.

Read more...