Isang 19-anyos na Fine Arts student ang gumawa ng official logo ng 51st International Eucharistic Congress

By Chona Yu January 25, 2016 - 10:51 AM

From IEC FB page
From IEC FB page

Nagkaroon ng pa-contest ang Archdiocese of Cebu at doon pinili ang entry ni Jayson Jaluag ng Mandaue City, Cebu.

Ayon kay Jaluag, ibinase niya ang kanyang disenyo sa buhay ng bawat Pilipino na may misyon, life centered on Eucharist at inspired sa holy spirit.

Makikita rin sa official logo ang araw na sumisimbolo naman pagkakaroon ng pag-asa.

Mayroon din itong pitong sinag o rays of the sun na sumisimbolo sa seven gifts of the holy spirit.

Ito aniya ang fortitude, wisdom, understanding, counsel, knowledge, piety, at fear of the Lord.

Sumisimbolo naman ang cup and bread ng Eukaristiya.

Makikita rin sa logo ang bangka na simbolo naman ng pagiging Missionary of Church.

Pangunahing kulay ng logo ang green na color of hope, blue na color of faith at pula na nagsisilbing driving force ng hope and faith.

Sa ikalawang araw ng 51st International Eucharistic Congress na idinadaos sa Cebu City, nagbigay ng katesismo si Most Reverend Miguel Cabrejos Vidarte at nagbigay naman ng testimonya si Cardinal Joseph Zen ng Hong Kong.

Bukas ng hapon, alas 4:30 ay magsasagawa ng Latin Mass si Cardinal Zen sa Asilo De Milagrosa sa Gororso Avenue, Cebu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.