Yellow rainfall warning nakataas na rin sa ilang lugar sa Mindanao

Nagtaas na rin ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa ilang lugar sa Mindanao.

Ito ay bunsod ng patuloy na pag-ulang nararanasan dahil sa Bagyong Ursula.

Sa 10:30AM heavy rainfall advisory ng PAGASA, yellow warning ang nakataas sa Dinagat Islands, Siargao Islands, Socorro Islands at Bucas Grande Islands.

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababang lugar.

Samantala, nakararanas na rin ng katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Surigao del Norte at Surigao del Sur.

Read more...