Mga pag-atake ng rebeldeng grupo makasisira sa sinseridad sa ceasefire

By Chona Yu December 24, 2019 - 08:44 AM

Panghahawakan ng Malakanyang ang pangako ng rebeldeng grupo na walang gagawing pag-atake ang kanilang hanay habang umiiral ang ceasefire.

Inaprubahan ng pangulo ang ceasefire mula December 23 hanggang sa January 7.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tiyak kasi na makasisisra sa sinseridad ng rebeldeng grupo kung gagawa ng pag-atake laban sa pamahalaan.

“As I said, any attack on their part will destroy the presumption of sincerity on this particular group,” ani Panelo.

Gayunman sinabi ni Panelo na palagi namang handa ang pamahalaan sa anumang uri ng banta sa seguridad.

Sinabi pa ni Panelo na matagal nang nakikibaka ang rebeldeng grupo subalit hanggang ngayon bigo pan in itong mapabagsak ang pamahalaan.

TAGS: Ceasefire, Inquirer News, News in the Philippines, NPA, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Salvador Panelo, Tagalog breaking news, tagalog news website, Ceasefire, Inquirer News, News in the Philippines, NPA, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Salvador Panelo, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.