Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa mga lalawigan sa Eastern Visayas
By Dona Dominguez-Cargullo December 24, 2019 - 08:40 AM
Nakararanas na ng malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan sa ilang mga lalawigan sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA, alas 7:31 ng umaga ng Martes, Dec. 24, yellow warning na ang umiiral sa Southern Leyte, Leyte, Eastern Samar, Samar at Biliran.
Babala ng PAGASA, ang mga apektadong lugar ay maaring makaranas ng pagbaha o landlides.
Pinayuhan ang mga residente na maging maingat at alerto.
Pinag-aantabay din ang publiko sa susunod na abiso na ilalabas ng PAGASA sa susunod na mga oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.