Mga stranded na pasahero sa mga pantalan dapat alalayan ng gobyerno

By Dona Dominguez-Cargullo December 24, 2019 - 08:34 AM

Pinatutulungan ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong sa Philippine Ports Authority o PPA at Maritime Industry Authority o MARINA ang mga stranded na pasahero sa mga pantalan dahil sa bagyong Ursula.

Ayon kay Ong, sa kabila ng sitwasyon ng mga mananakay sa mga Pier kailangang iparamdam sa mga ito ang diwa ng Kapaskuhan.

Sinabi ni Ong na malungkot na Paskong ito para sa mga stranded na mga pasahero pero hindi aniya dapat ito iparamdam sa kanila.

Bagaman wala aniyang may gusto ng pagkansela ng biyahe dahil sa sama ng panahaon dapat akuin ng gobyerno ang pagkalinga sa mga stranded na pasahero.

Sa panahong ito, dapat din anyang maramdaman ng mga nasa pantalan na naghihintay ng kanilang mga byahe ang pagkalinga ng gobyerno.

Dahil dito, iminungkahi ng mambabatas na mabigyan ng pagkain at inumin ang mga ito dahil sa karamihan sa mga stranded na pasahero ay sapat lamang ang budget.

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippines Breaking news, port, Radyo Inquirer, stranded passengers, Tagalog breaking news, tagalog news website, ursula, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippines Breaking news, port, Radyo Inquirer, stranded passengers, Tagalog breaking news, tagalog news website, ursula

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.