Magkakasunod na may kalakasang pagyanig naitala sa Canada

Nakapagtala ng magkakasunod na may kalakasang pagyanig ang US Geological Survey sa Canada.

Sa datos ng USGS, alas 3:13 ng madaling araw ngayong Martes, Dec. 24 naitala ang magnitudeb5.7 na lindol sa layong 167 kilometers mula sa Port Hardy sa probinsya ng British Columbia.

Sinundan ito ng dalawang magnitude 6.0 na pagyanig na na ang una ay naitala alas 3:49 ng madaling araw at ang ikalawa ay alas 4:56 ng madaling araw.

Kapwa sa Port Hardy, British Columbia, Canada ang epicenter ng dalawa pang lindol.

Wala pa namang napaulat napinsala bunsod ng naturang lindol na tumama sa karagatan.

Read more...