Nasagip ng mga tauhan ng Quezon City Task Force Disiplina ang aabot sa 150 katutubong Badjao sa bahagi ng Agham Road.
Galing ang mga katutubo sa Lucena, Quezon at lumuwas ng Quezon City para mamalimos ngayong Kapaskuhan.
Ayon kay Rannie Ludovica, action officer ng Task Force Disiplina, maraming natanggap na tawag ang City hall at nangangamba sa kaligtasan ng mga Badjao.
Delikado anya ang ginagawa ng mga ito sa national road lalo’t may kasama ang mga itong mga bata at sanggol.
Sa kalsada na natutulog ang mga katutubo na kanila ring ginagawang palikuran.
Dahil dito, nagkasa ang operasyon ang Task Force at sapilitang isinakay ang mga katutubo at pansamantalang dinala sa covered court ng Brgy. Batasan Hills.
Sasailalim ang mga Badjao sa profiling at bibigyan ng makakain.
Nangako ang local government na ihahatid ang mga katutubo sa kanilang pinanggalingan sa Lucena.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.