(Developing story) Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang higit P802M halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Brgy. Siena, Quezon City, Martes ng madaling-araw.
Isinagawa ang operasyon laban sa isang lalaking Chinese sa bahagi ng N.S. Amoranto St. cor.Tabayoc St.
Positibong nabilhan ng 2 kilo ng droga ang suspek at nang tangkaing arestuhin, tumakbo ito pabalik sa kanyang bahay.
Sa kusina ng bahay, bumulaga sa PDEA ang 118 kilo ng shabu na isinilid sa tea packs na may Chinese characters at ipinasok naman sa mga lata ng biskwit.
Ayon kay PDEA special enforcement team leader Lorenzo Advincula Jr., isang buwang isinailalim sa surveillance ang suspek.
Tinatayang nagkakahalaga ang droga ng P802 milyon.
Inaalam ngayon kung saan galing ang ganito kalaking halaga ng droga at kung miyembro ang suspek ng isang drug group.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.