Higit 4,000 pasahero stranded sa mga pantalan sa Bicol

Aabot sa higit 4,000 pasahero ang stranded sa mga pantalan sa Bicol matapos makansela ang mga biyahe bunsod ng banta ng Bagyong Ursula.

Ayon sa Philippine Coast Guard – Bicol, hanggang hapon ng Lunes, aabot sa 563 pasahero ang stranded sa Pio Duran Port sa Albay at 25 sa Bapor sa Masbate.

Sa Sorsogon, 3,374 ang stranded sa Matnog Port, 224 sa Pilar at 29 sa Bulan.

Karamihan sa mga pasahero sa Sorsogon ay patungong Visayas at Mindanao.

Samantala, nanatili sa mga pantalan at tigil-biyahe rin ang aabot sa 1,059 rolling cargoes, 12 sea vessels at apat na motorbanca.

Read more...