Music video ng ‘Tala’ ni Sarah G., may higit 20M views na; May version 2.0 sa 2020?

By Rhommel Balasbas December 24, 2019 - 03:35 AM

Screengrab from official MV / Viva Records

Pumalo na sa higit 20 million ang views ng official music video ng hit song ng Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo na ‘Tala’.

Bago mag-alas-12:00 ng hatinggabi ng Martes, naabot ng ‘Tala’ ang 20 million views.

Magugunitang kahit 2016 pa orihinal na inilabas, muling sumikat ang kanta matapos itong sayawin ni Sarah G. sa victory party ng ‘The Voce Kids’ nito lamang Nobyembre.

Hanggang sa dumami pa ang nagkaroon ng dance cover ng nasabing kanta at ibinahagi ito social media.

Nagamit pa ang ‘Tala’ sa kumprontasyon ng mga miyembro ng LGBT Community laban sa isang Aling Nelia.

Sikat din ang video ng isang tatay sa kanyang bagong silang na anak na nais niya umanong gawing Popster.

Laman din ng Christmas parties ang nasabing kanta.

Dahil sa tagumpay ng ‘Tala’ nagpahapyaw ang Popstar Royalty at ang G-Force ng version 2.0 nito.

Sa isang selfie video sinabi ni Georcelle Dapat-Sy ng G-Force na may bago silang ihahain sa publiko na dapat abangan sa susunod na taon.

Wala nang ibinigay pang detalye ukol sa sinasabing version 2.0 pero nagpasalamat si Sarah G. at ang G-Force sa tumangkilik sa ‘Tala’.

TAGS: Asia's Popstar Royalty Sarah Geronimo, dance craze, G-Force, official MV reaches 20 million views, Tala, version 2.0, Asia's Popstar Royalty Sarah Geronimo, dance craze, G-Force, official MV reaches 20 million views, Tala, version 2.0

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.