Presyo ng diesel at gaas tataas ngayong umaga

By Rhommel Balasbas December 24, 2019 - 02:27 AM

May taas-presyo ang mga kumpanya ng langis sa kanilang diesel at kerosene o gaas ngayong umaga ng Martes, bisperas ng Pasko.

Lahat ay may dagdag na P1.15 sa presyo ng kada litro kanilang diesel.

Wala namang ipatutupad na taas-presyo sa gasolina.

Ang Flying V, Petron, at Shell ay may P1.05 na dagdag-presyo sa kada litro ng kanilang gaas habang mas mataas nang kaunti ang sa Caltex na aabot sa P1.10 kada litro.

Una nang nagpatupad ng price adjustment ang Caltex kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.

Susunod ang iba pang kumpanya ngayong alas-6:00 ng umaga maliban sa Cleanfuel.

Alas-4:00 pa ng hapon epektibo ang taas-presyo ng Cleanfuel.

TAGS: December 24 2019, diesel and kerosene prices up, no adjustment for gasoline, oil companies, oil price hike, December 24 2019, diesel and kerosene prices up, no adjustment for gasoline, oil companies, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.