M3.1 na lindol naitala sa Occidental Mindoro

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Occidental Mindoro alas-2:34 Martes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 80 kilometro Timog-Kanluran ng bayan ng Looc.

May lalim ang pagyanig na 22 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...