Bagyong #UrsulaPH bahagyang bumagal; signal no. 1 nakataas na sa Metro Manila
Napatili ng Tropical Storm Ursula ang lakas nito ngunit bahagyang bumagal ang pagkilos.
Ayon sa 2am severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 450 kilometro Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 85 km kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 km bawat oras.
Kumikilos na ito pa-Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 25 km kada oras.
Inaasahang tatama sa Eastern Samar ang Bagyong Ursula ngayong hapon o gabi at posibleng lumakas pa hanggang sa severe tropical storm.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa:
– Sorsogon
– Masbate kasama ang Ticao Island
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Samar
– Leyte
– Biliran
– Camotes Islands
Signal no. 1 naman sa:
– Bataan
– Metro Manila
– Rizal
– Cavite
– Quezon
– Laguna
– Batangas
– Camarines Sur
– Camarines Norte
– Catanduanes
– Albay
– Marinduque
– Romblon
– Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island
– Oriental Mindoro
– Burias Island at Cuyo Islands
– Southern Leyte
– nalalabing bahagi ng Northern Cebu (Carmen, Asturias, Tuburan, Catmon, Sogod, Borbon, Tabuelan, Tabogon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan, Bantayan, Santa Fe, Madridejos),
– Central Cebu (Aloguinsan, Carcar City, Pinamungahan, San Fernando, Naga City, Toledo City, Minglanilla, Balamban, Talisay City, Cebu City, Cordova, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Consolacion, Liloan, Compostela, Danao City)
– northeastern Bohol (Inabanga, Danao, Dagohoy, Pilar, Guindulman, Anda, Candijay, Alicia, Buenavista, Jetafe, Talibon, Trinidad, Bien Unido, San Miguel, Ubay, Mabini, Pres. Carlos P. Garcia)
– Aklan
– Antique
– Capiz
– Iloilo
– Guimaras
– northern Negros Occidental (Bacolod City, Bago City, Cadiz City, Calatrava, Enrique B. Magalona, Escalante City, La Carlota City, La Castellana, Manapla, Moises Padilla, Binalbagan, Hinigaran, Isabela, Murcia, Pontevedra, Pulupandan, Sagay City, Salvador Benedicto, San Carlos City, San Enrique, Silay City, Talisay City, Toboso, Valladolid, Victorias City)
– northern Negros Oriental (Canlaon City, Guihulngan City, Jimalalud, La Libertad, Vallehermoso)
– Dinagat Islands
– Surigao del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands
Hanggang ngayong tanghali mararanasan ang mahina hanggang katamtaman na may panaka-nakang malalakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Dinagat Islands, Siargao at Bucas Grande Islands.
Sa pagitan naman ng tanghali hanggang Miyerkules ng tanghali, paminsan-minsan hanggang madalas na malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa Dinagat Islands, Siargao at Bucas Grande Islands, Eastern Visayas, Sorsogon, Masbate, northern at central Cebu, northern Negros Provinces, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras at Romblon.
Mahina hanggang katamtaman na may panaka-nakang malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Bicol Region,
Nagbabala ang PAGASA sa mapaminsalang bugso ng hanging mararanasan sa mga lugar na nasa signal no. 2.
Ipinagbabawal na rin ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng mga lugar na na sa storm signals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.