Ayon sa pahayag ng network Lunes ng gabi, natanggap nila ang kopya ng utos ng DOLE-NCR office na may petsang December 2.
Umapela ang network kay Labor Sec. Silvestre Bello III para ibasura ang utos.
Ayon sa DOLE-NCR, ang multa ay bunsod ng occupational safety and health violations ng GMA Network.
Una, pinagmumulta ng P810,000 ang network bunsod ng kabiguang makapagsumite ng kinakailangang work accident or illness report sa DOLE sa loob ng 24 oras matapos ang kinasangkutang aksidente ni Garcia.
Ang dagdag namang P80,000 na multa ay bunsod ng kawalan ng safety officer at first-aid personnel sa araw na naganap ang aksidente.
Sinabi naman ng GMA na patuloy nitong gagawin ang mga kailangang hakbang sakaling maresolba ng DOLE ang kanilang apela.