DOLE pinagmumulta ang GMA ng P890,000 dahil sa pagkamatay ni Eddie Garcia

By Rhommel Balasbas December 24, 2019 - 12:27 AM

Pinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang GMA Network Inc. ng multang P890,000 bunsod ng pagkamatay ng beteranong aktor na si Eddie Garcia sa kasagsagan ng taping.

Ayon sa pahayag ng network Lunes ng gabi, natanggap nila ang kopya ng utos ng DOLE-NCR office na may petsang December 2.

Umapela ang network kay Labor Sec. Silvestre Bello III para ibasura ang utos.

Ayon sa DOLE-NCR, ang multa ay bunsod ng occupational safety and health violations ng GMA Network.

Una, pinagmumulta ng P810,000 ang network bunsod ng kabiguang makapagsumite ng kinakailangang work accident or illness report sa DOLE sa loob ng 24 oras matapos ang kinasangkutang aksidente ni Garcia.

Ang dagdag namang P80,000 na multa ay bunsod ng kawalan ng safety officer at first-aid personnel sa araw na naganap ang aksidente.

Sinabi naman ng GMA na patuloy nitong gagawin ang mga kailangang hakbang sakaling maresolba ng DOLE ang kanilang apela.

TAGS: Department of Labor and Employment (DOLE), DOLE fines GMA Network Inc., DOLE-NCR office, Eddie Garcia death, occupational safety and health violations, Department of Labor and Employment (DOLE), DOLE fines GMA Network Inc., DOLE-NCR office, Eddie Garcia death, occupational safety and health violations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.