M3.0 na lindol naitala sa Surigao del Norte

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte alas-10:21 Lunes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 15 kilometro Timog-Silangan ng General Luna.

May lalim ang pagyanig na 22 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...