PCG: Bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa higit 60,000

By Rhommel Balasbas December 23, 2019 - 11:47 PM

Ilang oras bago magbisperas ng Pasko, dumagsa pa rin ang mga pasahero sa mga pantalan para umuwi sa kani-kanilang mga pamilya ngayong Kapaskuhan.

Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, mula alas-12:01 ng tanghali hanggang alas-6:00 ng gabi ng Lunes, umabot sa 60,036 ang pasahero sa mga pantalan sa buong bansa.

Pinakamarami ang pasahero sa Western Visayas (Antique, Aklan, Iloilo, Guimaras) na umabot sa 19,419.

Sumunod ang Southern Tagalog (Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, Occidental Mindoro, Romblon) na nakapagtala ng 11,562.

Marami rin ang pasahero sa Northern Mindanao (Misamis Occidental, Lanao del Norte, Agusan del Norte, Zamboanga del Norte at Misamis Oriental) na may 5,794.

Ayon sa PCG katuwang sila ng pambansang gobyerno sa pagtiyak na maitatala ang zero maritime casualty o incident ngayong Christmas Season.

Pinayuhan ng PCG ang mga pasahero na maging mapagmatyag sa lahat ng pagkakataon at sumunod sa safety at security measures sa lahat ng terminal at mga sasakyang pangdagat.

Hinihikayat ang mga pasahero na iulat ang presensya ng mag kahina-hinalang indibidwal.

TAGS: Christmas holidays, Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, passenger monitoring, Philippine Coast Guard (PCG), port terminals, Christmas holidays, Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, passenger monitoring, Philippine Coast Guard (PCG), port terminals

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.