1 sundalo patay, 6 sugatan sa umano’y pag-atake ng NPA sa Camarines Norte

By Angellic Jordan December 23, 2019 - 08:19 PM

Nasawi ang isang sundalo habang sugatan ang anim na iba pa sa pag-atake ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Labo, Camarines Norte.

Ayon kay Maj. Ricky Aguilar, hepe ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, nagsasagawa ng combat patrol ang militar sa Barangay Baay nang biglang umatake ang rebeldeng grupo bandang 9:20 ng umaga.

Mabilis namang nakatakas ang hindi matukoy na bilang ng mga rebelde.

Samantala, kinondena naman Joint Task Force Bicolandia (JTFB) ang pag-atake ng rebeldeng grupo sa kabila ng idineklarang tigil-putukan.

Matatandaang naunang nagpatupad ng ceasefire ang Communist Party of the Philippines (CPP) simula 12:00, Lunes ng madaling-araw (December 23), hanggang January 7, 2020.

TAGS: Camarines Norte, labo, NPA, Camarines Norte, labo, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.