Deklarasyon ng tigil-putukan sa NPA, okay sa Makabyan bloc sa Kamara

By Erwin Aguilon December 23, 2019 - 04:24 PM

Pinapurihan ng Makabayan bloc sa Kamara ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng unilateral at reciprocal ceasefire sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, magandang regalo sa mga Filipino ang tigil-putukan ngayong holiday season.

Magandang pagkakataon din aniya ito at senyales para sa pagpapatuloy ng naudlot na usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng rebeldeng grupo.

Umapela rin ang kongresista kay Pangulong Duterte at sa mga peace negotiator ng dalawang panig na palaging isipin ang interes ng bansa at sambayanan sa kanilang mga ginagawang negosasyon.

Kasabay nito, nanawagan si Zarate sa GRP at NDFP na ipagpatuloy ang peace talks nang walang hinihinging kondisyon.

Iiral ang ceasefire mula 12:00 ng madaling araw ng December 23 hanggang 11:59 ng gabi ng January 7, 2020.

TAGS: CPP NPA NDF, Makabyan bloc, Rep Carlos Zarate, Rodrigo Duterte, CPP NPA NDF, Makabyan bloc, Rep Carlos Zarate, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.