8 nasagip ng PCG sa bangkang nagkaroon ng engine trouble sa Cagayan

By Angellic Jordan December 23, 2019 - 03:28 PM

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang walong sakay ng isang sasakyang-pandagat sa Sta. Ana, Cagayan noong Biyernes, December 20.

Ayon sa PCG, anim sa mga sakay ay pasahero habang dalawa ang crew members.

Nagkaroon umano ng engine trouble ang bangka habang nasa bisinidad ng karagatang sakop ng Palaui Island, San Vicente.

Papunta sana ang bangka sa Sta. Ana Port.

Ligtas namang nadala ng rescue team ang lahat ng pasahero at crew members sa nasabing pantalan.

Katuwang sa operasyon ng PCG Sub-Station sa Sta. Ana ang Marine Environmental Protection Unit-North Eastern Luzon (MEPU-NELZN) at dalawang sibilyan.

TAGS: Cagayan, Palaui Island, PCG, San Vicente, Sta. Ana, Cagayan, Palaui Island, PCG, San Vicente, Sta. Ana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.