Pagtitiyak ni Presindetial spokesman Salvador Panelo, tutugisin ng mga awtoridad ang mga taong nasa likod ng pagpapasabog.
Ayon kay Panelo, gagamitin ng pamahalaan ang lahat ng kapangyarihan para durugin ang lahat ng mga kalaban ng estado pati na ang kanilang mga tagasuporta.
“Any attempt to sow fear, hatred and violence is doomed to fail. We will pursue the perpetrators and will harness all our might to crush all evil forces or enemies of the state, as well as their supporters,” ani Panelo.
Sa ngayon, may ginagawa na aniyang imbestigasyon ang mga awtoridad.
“While casualties are now undergoing treatment, clearing operations have been made and authorities are now investigating the matter,” pahayag ng kalihim.
Nanawagan din ang Palasyo sa publiko na maging mapagmatyag at agad na ipagbigay-alam sa mga awtoridad kapag mayroong napansin na kaduda-dudang tao o bagay.
“We call on everyone to stay and remain vigilant and report suspicious personalities and unattended items,” dagdag pa nito.
Ayon kay Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng Western Mindanao Command, walong sundalo at limang sibilyan ang nasugatan sa pagsabog sa granada malapit sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cotabato City habang limang sibilyan ang nasugatan sa North Cotabato.
Isa naman ang nasugatan sa pagsabog sa Upi, Maguindanao.