Palasyo, kinondena ang magkasunod na pagsabog sa Cotabato at Maguindanao

By Chona Yu December 23, 2019 - 03:18 PM

Mariing kinondena ng Palasyo ng Malakanyang ang magkakasunod na pagpapasabog sa Cotabato at Maguindanao kung saan 19 katao na ang naiulat na nasugatan.

Pagtitiyak ni Presindetial spokesman Salvador Panelo, tutugisin ng mga awtoridad ang mga taong nasa likod ng pagpapasabog.

Ayon kay Panelo, gagamitin ng pamahalaan ang lahat ng kapangyarihan para durugin ang lahat ng mga kalaban ng estado pati na ang kanilang mga tagasuporta.

“Any attempt to sow fear, hatred and violence is doomed to fail. We will pursue the perpetrators and will harness all our might to crush all evil forces or enemies of the state, as well as their supporters,” ani Panelo.

Sa ngayon, may ginagawa na aniyang imbestigasyon ang mga awtoridad.

“While casualties are now undergoing treatment, clearing operations have been made and authorities are now investigating the matter,” pahayag ng kalihim.

Nanawagan din ang Palasyo sa publiko na maging mapagmatyag at agad na ipagbigay-alam sa mga awtoridad kapag mayroong napansin na kaduda-dudang tao o bagay.

“We call on everyone to stay and remain vigilant and report suspicious personalities and unattended items,” dagdag pa nito.

Ayon kay Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng Western Mindanao Command, walong sundalo at limang sibilyan ang nasugatan sa pagsabog sa granada malapit sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cotabato City habang limang sibilyan ang nasugatan sa North Cotabato.

Isa naman ang nasugatan sa pagsabog sa Upi, Maguindanao.

TAGS: Cotabato, Cotabato bombing, maguindanao, Maguindanao bombing, Sec. Salvador Panelo, Cotabato, Cotabato bombing, maguindanao, Maguindanao bombing, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.