Mga US senator, inimbitahan ni Speaker Cayetano sa Pilipinas

Hinikayat ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga US senator na bumisita sa Pilipinas.

Ito ay kasunod ng ginawang pagpasa ng US Senate ng resolusyon na nagba-ban sa mga opisyal ng Pilipinas na nasa likod ng pagpapakulong kay Senator Leila De Lima.

Ayon kay Cayetano, mas mabuti na makita mismo ng mga mambabatas ng Estados Unidos ang nangyayari sa Pilipinas na may kaugnayan sa paglaban nito sa droga sa halip na magbase lamang sa mga ulat sa media.

Nagsalita na anya ang Supreme Court ng Pilipinas at sinabing may legal na basehan ang pagkakakulong ni De Lima dahil sa mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Sinabi pa ni Cayetano ang weaponizing ang ginawa ng US Senate na pagkansela sa US visa at pag-ban sa mga nagsusulong ng war on drugs ng pamahalaan.

Maari rin naman anya ang mga ito na tumulong sa legal defense ni De Lima.

Read more...