Paglagda ng pangulo sa 2020 budget sa Enero, okay lang sa Kamara
Walang nakikitang masama si House Speaker Alan Peter Cayetano kung sa Enero pa ng susunod na taon malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.1-trillion 2020 national budget.
Ayon kay Cayetano, wala namang delay kahit sa January 6, 2020 o 1st working day ng taon ito malagdaan ng pangulo.
Gayunman, sinabi ng lider ng Kamara na umaasa sila na bago magsara ang taong 2019 ay matatapos ng executive department ang pag-aaral sa inaprubahang budget ng Kongreso para maging ganap na batas.
Nagpadala na rin anya sila sa Palasyo ng Malakanyang ng mensahe na handa silang sumaksi sa paglagda ng 2020 budget kahit ngayong holiday break.
Muli namang binigyang diin ni Cayetano na walang anumang ‘pork’ na nakasingit sa inaprubahang panukalang pondo.
Nauna rito, sinabi ni Acting Budget Secretary Wendell Avisado na sa ngayon ay hindi pa tapos ang executive department sa pag-review ng P4.1-trillion 2020 budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.