Kasama sa inaprubahan ni Trump ang pagpapatupad ng ban sa mga nasa likod ng pagkakabilanggo ni Senator Leila de Lima.
Ang probisyon para magpatupad ng ban o pagbawalang pumasok sa US ang mga nagpakulong umano kay De Lima ay bahagi ng 2020 State of Foreign Operations Appropriations Bill.
Base sa naturang probisyon, nakasaad na dapat magpatupad ng ban at hindi payagang makapasok ng US ang mga nasa likod ng “hindi tamang” pagkakabilanggo nina Mustafa Kassem – isang American citizen at pinakulong ng gobyerno ng Egypt at Senator Leila de Lima na inaresto sa Pilipinas noong 2017.
Ang bahaging ito ay nasa amendment portion ng batas na isinulong nina US Senators Richard Durbin at Patrick Leahy.