2020 budget nilagdaan na ni US Pres. Trump; ban sa mga sangkot sa pagkakakulong kay De Lima kasama sa inaprubahan

By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2019 - 01:06 PM

Nilagdaan na ni US President Donald Trump ang 2020 national budget ng bansa.

Kasama sa inaprubahan ni Trump ang pagpapatupad ng ban sa mga nasa likod ng pagkakabilanggo ni Senator Leila de Lima.

Ang probisyon para magpatupad ng ban o pagbawalang pumasok sa US ang mga nagpakulong umano kay De Lima ay bahagi ng 2020 State of Foreign Operations Appropriations Bill.

Base sa naturang probisyon, nakasaad na dapat magpatupad ng ban at hindi payagang makapasok ng US ang mga nasa likod ng “hindi tamang” pagkakabilanggo nina Mustafa Kassem – isang American citizen at pinakulong ng gobyerno ng Egypt at Senator Leila de Lima na inaresto sa Pilipinas noong 2017.

Ang bahaging ito ay nasa amendment portion ng batas na isinulong nina US Senators Richard Durbin at Patrick Leahy.

TAGS: 2020 national budget, Inquirer News, leila de lima, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US budget, 2020 national budget, Inquirer News, leila de lima, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.