Mga paliparan sa bansa isinailalim sa heightened alert ngayong Holiday season

Isinailalim na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa heightened alert ang lahat ng mga airport na nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa.

Kaugnay ito ng inaasahang pagdagsa ng malaking volume ng mga pasahero ngayong Christmas at New Year season.

Tatagal ang heightened alert ng CAAP hanggang sa January 5, 2020.

Mahigpit ding pinaiiral ngayon ng CAAP ang “no leave and day-off” policy sa 40 commercial airports sa buong bansa na kanilang pinangangasiwaan kapag ganitong panahon ng heightened security.

Tinatayang 2.4-million na mga pasahero sa international at domestic flights ang dadagsa ngayong holiday season sa mga paliparan.

Read more...