Hosting ng bansa sa SEA games dahilan ng mataas na trust rating ni Speaker Cayetano

By Erwin Aguilon December 23, 2019 - 12:38 PM

INQUIRER photo

Malaki ang bahagi ng katatapos na 30th Southeast Asian Games sa mataas na ratings ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa pinakahuling Pulse Asia Survey.

Ayon kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga, ginawa ang survey noong December 3 hanggang 8 kung saan ginaganap sa bansa ang sporting event.

Dahil dito, walang duda na ang kapuna-punang pagtaas ng trust at approval ratings ni Cayetano ay dahil sa matagumpay na hosting ng bansa gayundin ang pangunguna ng bansa sa paghahakot ng mga gintong medalya at pagiging number 1 sa sa SEA Games.

Pinuri din ng kongresista ang competence at commitment ni Cayetano bilang head ng Philippines Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

Sinabi pa nito na matinding dedikasyon ang kailangan para mabawi ang mga kritisismo na unang ibinabato kay Cayetano sa SEA Games.

Bukod dito, malaking factor din sa mataas na ratings ng Speaker ang mabilis na pagusad at pagapruba ng 2020 budget.

TAGS: alan peter cayetano, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Pulse Asia Survey, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Trust Rating, alan peter cayetano, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Pulse Asia Survey, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Trust Rating

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.