Malakanyang hindi nababahala sa pagkakasama ni Pangulong Duterte sa hitlist ng NPA

Presidential Photo
Hindi nababahala ang Malakanyang sa pagkakasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hitlist ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, itinanggi na kasi ni Communist Party of the Philippines founding Chairman Jose Maria Sison na balak ng kanilang hanay na likidahin ang pangulo.

Ayon kay Panelo, itinanggi na rin ni Sison na balak patayin ng dalawang napatay na rebelde sa Quezon City ang pangulo.

Una nang sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na nataasan ng NPA ang dalawang napatay na rebelde sa Queozn City na likidahin ang pangulo.

Ayon kay Panelo, sa ngayon hindi makaapekto sa isinusulong na peace talks ang mga naturang ulat.

May banta man o wala sinabi ni panelo na mahigpit na seguridad ang ipinatutupad sa pangulo.

Una nang sinabi nina National Security Adviser Hermogenes Esperon at Presidential Security Group Commander Brig. General Jose Niembra na kasama sa hitlist ng NPA si Pangulong Duterte.

Read more...