Angkas, ‘overacting’ ayon sa LTFRB
Tinawag na ‘overacting’ ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagrereklamo ng Angkas sa paglimita sa kanila ng 10,000 riders lang na maaring bumiyahe bilang motorcycle taxi.
Ayon kay LTFRB board member Antonio Gardiola Jr., chairman ng technical working group na nagmomonitor sa motorcycle taxis, ang mababawas sa riders ng Angkas ay may opsyon na lumipat sa dalawang dagdag na providers, ang JoyRide at Move It.
Ani Gardiola, hindi pwedeng gawing isyu ang pagkawala ng trabaho, dahil pwede namang lumipat sa dalawang providers.
Ang pangunahing layunin aniya ng pilot implementation ng motorcycle taxi ay ang pag-aralan kung ligtas bang gamitin bilang PUVs ang motorsiklo.
Sa mga pahayag ng Angkas, sinabi Gardiola na pinakikita nitong ang interest nila ay sa kanilang kita.
Umapela si Gardiola sa Angkas na itigil ang panloloko sa kanilang riders at kanilang pamilya.
“Please stop deceiving your riders and their families. You are only after your business. Always put in mind that this is still a study,” ayon kaky Gardiola.
Una nang sinabi ng LTFRB na ang 17,000 riders na mawawala sa Angkas ay maaring lumipat sa JoyRide at Move It na ngayon ay nagsisimula nang tumanggap ng mga nais na magparehistro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.