Nasawi sa pag-inom ng lambanog sa Laguna umakyat na sa 11

Umakyat na sa labingisa ang bilang ng nasawi sa pagkalason sa lambanog sa Laguna.

Ayon kay Rizal, Laguna Mayor Vener Muñoz, mula sa 8 ay nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi.

Tinatayan ding aabot na sa mahigit 300 ang naospital matapos malason sa lambanog.

Sa Philippine General Hospital (PGH) mayroong 69 pang pasyente na inooberbahan.

Siyam dito ang kritikal ang kondisyon, ang isa sa kanila ay nasa ICU.

May mga ginagamot pa rin sa Rizal Medical Center sa Pasig at sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.

Read more...