Nasawi sa pag-inom ng lambanog sa Laguna umakyat na sa 11

By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2019 - 12:07 PM

Umakyat na sa labingisa ang bilang ng nasawi sa pagkalason sa lambanog sa Laguna.

Ayon kay Rizal, Laguna Mayor Vener Muñoz, mula sa 8 ay nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi.

Tinatayan ding aabot na sa mahigit 300 ang naospital matapos malason sa lambanog.

Sa Philippine General Hospital (PGH) mayroong 69 pang pasyente na inooberbahan.

Siyam dito ang kritikal ang kondisyon, ang isa sa kanila ay nasa ICU.

May mga ginagamot pa rin sa Rizal Medical Center sa Pasig at sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.

TAGS: 11 dead, Inquirer News, laguna, lambanog, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, 11 dead, Inquirer News, laguna, lambanog, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.