Preso na ibinibiyahe sa Laguna patay sa pananambang

By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2019 - 12:05 PM

Nasawi sa pananambang ang isang preso habang nasa kostodiya ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology.

Kinilala ang inmate na si Joshi Tarun na may kasong serious illegal detention at kidnap-for-ransom.

Mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility sa Calamba City ay ililipat sana si Tarun sa Los Baños, Laguna.

Pero isang itim na sports utility vehicle ang humarang sa sasakyan ng BJMP at saka pinagbabaril si Tarun.

Nangyari ang insidente alas 9:00 ng umaga ng Lunes, Dec. 23 sa Bucal-Milagrosa bypass road.

Ayon kay Laguna Police chief Col. Eleazar Matta, may takip ang mukha ng mga lalaking nasa likod ng pananambang.

Tinalian muna ng mga lalaki si Tarun at ang apat na security escorts nito at saka binaril si Tarun.

Naglagay na ng checkpoints sa lalawigan para sa ikaaaresto ng mga suspek.

TAGS: ambush, BJMP, Calamba, Inquirer News, laguna, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, BJMP, Calamba, Inquirer News, laguna, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.