Ito ay sa kabila ng umiiral na ceasefire sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay Philippine National Police OIC Lt. Gen. Archie Gamboa, nangyari ang ambush alas 9:30 ng umaga ng Lunes, Dec. 23 sa Barangay Singon bayan ng Tubungan.
Ang dalawang nasugatan ay pawang miyebro ng 1st Iloilo Mobile Force Company na nagtamo ng sugat sa mukha.
Ayon kay Gamboa, nagawang makatakas ng mga pulis sa kasagsagan ng pamamaril sa kanila.
Malaki ang hinala ng PNP na NPA ang nasa likod ng pag-atake dahil ilang araw nang nagsasagawa ng massive operation ang PNP sa lugar laban sa NPA.
Dahil dito, ituturing na ito ng PNP na unang paglabag sa panig ng NPA sa umiiral na ceasefire.
Ngayong may umiiral na ceasefire, pinayuhan ni Gamboa ang mga pulis na ingatan nag awing “hard target” ang kanilang sarili at huwag bigya ng bentahe ang mga rebelde.