Ayon sa Philippine Coast Guard, mula alas 12:00 ng hatinggabi hanggangalas 6:00 ng umaga, nakapagtala ng 23,994 na outbound passengers sa mga pantalan sa bansa.
Pinakamaraming bumiyaheng pasahero sa Southern Tagalog na umabot sa 6,404 na pasahero, na sinundan ng Western Visayas na may 3,899 at Central Visayas na mayroong 3,783 na pasahero.
Narito ang listahan ng mga pantalan na nakapagtala ng maraming bilang ng pasahero:
Southern Tagalog – 6,404
• Batangas – 4,588
• Oriental Mindoro – 459
• Southern Quezon – 315
• Occidental Mindoro – 601
• Romblon – 441
Western Visayas – 3,899
• Aklan – 2,930
• Iloilo – 912
• Guimaras – 47
Central Visayas – 3,783
• Cebu – 1,387
• Western Bohol – 475
• Southern Cebu – 1,921
South Eastern Mindano – 2,431
• Davao – 2,431
Eastern Visayas – 2,016
• Southern Leyte – 873
• Northern Samar – 930
• Biliran – 213
Northern Mindanao – 1,944
• Surigao del Norte – 1,035
• Misamis Occidental – 430
• Zamboanga del Norte – 479
Southern Visayas – 1,782
• Negros Oriental – 1,020
• Negros Occidental – 762
Bicol – 1,735
• Albay – 155
• Sorsogon – 1,387
• Masbate – 193
Ayon sa PCG, patuloy na nakataas ang kanilang alerto para matiyak ang target na zero maritime casualty o incident ngayong Christmas season.